Crab!

shadow.jpg
Bigfoto

You are bigger than life. Follow your dreams. No amount of crab mentality from others can stop you from reaching the top. ~ Fingertalks

Pansin mo ba kung bakit matumal…

ang pag-unlad ng ating bansa?

Dahil marami ang alimango sa ating mga kababayan.

Nakasanayan na natin ang crab mentality.

Ang paghila sa mga tumataas…

Ang pagyurak sa mga umaangat…

Madami nyan lalo na sa mga nasa ibang bansa…

Minsan, kapwa kababayan pa ang magiging mitsa

ng kapahamakan ng mga kababayan natin.

Mahirap isipin pero iyon ang katotohanan.

Mahirap tanggapin pero iyon ang laganap na nangyayari.

Tulad na lamang ng isa kong kakilala.

Ubod sya ng inggit.

Di na lang makuntento kung ano ang meron sya.

Lahat ay gagawin nya mapulaan lamang ang kapwa nya.

Sya yung tao na ang motto sa buhay ay…

“If I can’t have it, neither can you.”

Crab.

Bakit na rin ang tingin natin sa mga banyaga sa ating bansa

ay pagkataas-taas?

Pero pag tayo ang nasa ibang bansa, putik ang tingin sa atin ng ibang banyaga.

Kakatwa di ba? Pag ika’y nasa sarili mong bayan, di ka na pinapansin ng kapwa kabayan..

Kahit na rin pag nangibang-bansa ka, ang aatupagin pa rin ng ibang kapwa kabayan ay ang mga banyaga.

Sa lupang sarili’y di ka na pansin, pati pa ba naman sa banyagang lupain?

Araw-araw bumibili ako ng dyaryo dito.

Dahil hindi masasama ang binabalita dito.

Kung meron man ay di yun sa unang pahina…

Kundi sa isang tabi lamang.

Pero sa ating bansa, bakit puro krimen at masasamang balita..

ang pilit na pinagtutuunan ng pansin?

Crab.

Magkulay na lang tayo ng larawang ito…

mancrabbed.jpg
FPCP

Popularity: 3% [?]

Comments (2)

Comments

RSS Comments - TrackBack

  1. Panaderos says:

    Malungkot ngang isipin pero totoo. Marami sa ating mga kababayan eh mainggitin. Instead of focusing on making themselves better, they blame their perceived failures on others.

    One needs to look inside himself/herself to see what he/she is good at doing. Once he/she knows the things he/she does best, he/she should focus on being very good at it. When a person becomes excellent at what he/she does best, success, both spiritual and material, won’t be far behind.

    Panaderos’s last blog post..The Baker Answers Some Random Questions

    July 19, 2008 @ 4:29 pm

  2. ann says:

    Hi ! I didn’t know that you’re already updating your blog, tagal mo rin kasi nawala.

    Happy weekend!

    ann’s last blog post..Laoag City (Day 4)

    July 20, 2008 @ 1:36 am

Write Comment










This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.