Sa Wari Lang
If the misery of the poor be caused not by the laws of nature, but by our institutions, great is our sin. ~Charles Darwin
Naglakad-lakad...
Nagpahangin sa labas...
kahit mainit ang hangin...
kailangan para matunaw ang kinain...
pagpawisan man lang dahil maghapong nakababad
sa aircon...
dahil libre ang kuryente.
o kung may bayad man ay di kamahalan.
Napansin ko ang lahat ng uri ng sasakyan...
kahit saan mapako ang aking paningin...
sa gilid ng daan, sa harap ng bahay..
sa tapat ng mall.
sa kainan.
sa daanan.
Di nakakadena.
o nakapaloob sa mataas na pader ng
bakuran at tarangkahan.
Wala kasing pwedeng magnakaw ng sasakyan.
Lahat sino ay pwedeng magkaroon ng sasakyan.
Dahil may perang binibigay sa mga taong bayan.
O ang mga dayuhan nama'y pwedeng pautangin
sa mababang presyo lamang...
Nakuha mo na sasakyan mo, babayaran mo pa
pagkalipas ng tatlong buwan...
ang iyong paunang bayad.
At isa pa'y napakamura ng gasolina.
Wala ring bayad ang pagparada ng sasakyan.
Kahit saan ay pwede mong iwan.
Dahil walang kukuha.
Walang magbubutas ng gulong.
O maglalagay ng putik at mantsa sa salamin.
Ang mga banko dito at palitan ng pera ay walang gwardya
pati na rin mga «malls» at «department stores».
Napansin ko din lang...
bakit ang mga sasakyan sa atin
lahat ay nakatago dapat
dahil kung hindi'y wala ka nang makikitang sasakyan
kinabukasan...
Ang mga banko ay ninanakawan...
may gwardiya na't lahat-lahat
ay pilit pa ring pagtatangkaan...
KAHIRAPAN ba ikamo?
Ang kasagutan sa tanong ko?
Sana naman...
Mamulat na ang gobyerno at taong-bayan...
Upang maging kaaya-aya ang ating pamumuhay...
Walang magnanakaw...
Walang naaapi..
Walang nang-aapi.
Sa wari ko lamang ba to?
Ano ang pakiwari mo, bayan?
Usap tayo.
~ fingertalks
Popularity: 6% [?]

RSS Feed

2 comments
5 months and 12 days ago
A stirring jab at the present condition in our country capsulized in a haunting piece of poetry in the vernacular. The idealist and nationalist in you is showing. More power to your kind of thoughts and advocacy. Thanks for the post. God bless you and your loved ones always my friend.
Mel Avila Alarilla's last blog post..Mud Biscuits For Meals, Anyone? (Pity Those Who Eat These «Foods»)
5 months and 12 days ago
hi bro. mel. thank you for your nice comment.
i actually didn't try to make a poem out of it. but glad that it looks like one.
yes, i hope that all will be well in our country. here's hoping for the best!
God bless you my friend.
Write a comment
If you want to add your comment on this post, simply fill out the next form:
* Required fields
You can use these XHTML tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>.
No trackbacks
To notify a mention on this post in your blog, enable automated notification (Options > Discussion in WordPress) or specify this trackback url: http://www.fingertalks.com/2008/07/23/sa-wari-lang/trackback/