Crab!
You are bigger than life. Follow your dreams. No amount of crab mentality from others can stop you from reaching the top. ~ Fingertalks
Pansin mo ba kung bakit matumal…
ang pag-unlad ng ating bansa?
Dahil marami ang alimango sa ating mga kababayan.
Nakasanayan na natin ang crab mentality.
Ang paghila sa mga tumataas…
Ang pagyurak sa mga umaangat…
Madami nyan lalo na sa mga nasa ibang bansa…
Minsan, kapwa kababayan pa ang magiging mitsa
ng kapahamakan ng mga kababayan natin.
Mahirap isipin pero iyon ang katotohanan.
Mahirap tanggapin pero iyon ang laganap na nangyayari.
Tulad na lamang ng isa kong kakilala.
Ubod sya ng inggit.
Di na lang makuntento kung ano ang meron sya.
Lahat ay gagawin nya mapulaan lamang ang kapwa nya.
Sya yung tao na ang motto sa buhay ay…
“If I can’t have it, neither can you.”
Crab.
Bakit na rin ang tingin natin sa mga banyaga sa ating bansa
ay pagkataas-taas?
Pero pag tayo ang nasa ibang bansa, putik ang tingin sa atin ng ibang banyaga.
Kakatwa di ba? Pag ika’y nasa sarili mong bayan, di ka na pinapansin ng kapwa kabayan..
Kahit na rin pag nangibang-bansa ka, ang aatupagin pa rin ng ibang kapwa kabayan ay ang mga banyaga.
Sa lupang sarili’y di ka na pansin, pati pa ba naman sa banyagang lupain?
Araw-araw bumibili ako ng dyaryo dito.
Dahil hindi masasama ang binabalita dito.
Kung meron man ay di yun sa unang pahina…
Kundi sa isang tabi lamang.
Pero sa ating bansa, bakit puro krimen at masasamang balita..
ang pilit na pinagtutuunan ng pansin?
Crab.
Magkulay na lang tayo ng larawang ito…
Popularity: 2% [?]
Did you like this article? You may want to read my recent posts in the upper right corner of my sidebar. If you are new here, you may also want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting, and for leaving your comments.



Hello! I’m FINGERTALKS, or simply FT, the author of this blog, and a Life Development Blogger. I’m an Overseas Filipina Worker by day, and a blogger by night. I have been blogging since 2005. I maintain a lot of blogs. I have overwhelming ideas on various things.
The Tweeting Bird
RSS Feed
Comments